Friday, January 25, 2008

Annabel Lee

Isang klasikong tula sapagkat gumamit dito ng isang kwento na pangkaraniwan. Isang ideyalistikong tao ang kaialangan na bumasa nito. Ito ay maaring basahin ng kahit na sino dahil maging ang mga bata ay matutuwa ditto. Masyadong mababaw ang istorya para sa isang magandang tula. Kahit na madaling maintindihan wala sa realidad ang mga nadidito.
The Nymph’s Reply To His Love

Isang totoong pagkakasabi ng isang damdamin sa kanyang kapwa karugtong na puso. Kahit palasak ang mga salitang na gamit ay direkta naman ang gusto nitong patunayan na kayang makita ng isang magbabasa kaagad. Hindi ganon kabigat ang mga bigay nitong detalye at napakarealistiko ng mga sinabi sa tula hindi tulad ng iba na napaka simple.
The Look by: Sara Teasdale

Ang tulang ito ay nagpapatunay na hindi lahat ng bagay ay maaring kunin lamang ng isang tao, maaring halos lahat ng kanyang gusto ay nasa kanya ngunit may mga bagay na tanging sa kanya lamang hindi magiging. Isang tula na nagapapatunay na walang perpektong nilalang. Kahit na medyo itong aggresibo dapat lamang na mga may isip lamang ang makapagbasa nito. Gayunpaman maganda ang pagkakasulat at direkta sa gusto nitong patungkulan hindi tuald ng iba na napakahaba ng unahang bahagi pero wala naming saysayan ang mga napapaloob. Maging ang mga salitang ginamit ay angkop sa tema at saysay.
The Passionate Shepherd His Love

Isang nakamamahang tula na nagpapakita ng pagamahalan ng dalawang tao. Isang mapanuksong tula kung saan puro pangako ng kagandahan na nagpapakita ng isang realidad sa ating buhay na nagyayari sa bawat araw. Gayunman maganda at hindi mahirap intindihin ng mga magbabasa ang mga salitang ginamit .