Saturday, March 29, 2008

Filipino Pop Music

Filipino Pop Music

Ang Filipino Pop music ay ang mga awitin na kung saan ay pinasikat mismo ng ating mga kababayang mang-aawit. Sumikat na sila sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at patuloy paring sumisikat at nakikilala sa ibang bansa. Ang Filipino Pop music o pinoy Pop music ay mga tagalog o kaya naman ay taglish na mga awitin na patuloy na pinasisikat n gating mga sariling mang-aawit.

Ang mag awiting ito ay sumikat pa noong 1970 hanggang 1900’s at ito ay pinasikat nila Ryan Cayabyab, Kuh Ledesma, Regine Velasquez, Ogie alcasid, Jaya, Janno Gibbs, at marami pang iba.

Karaniwang naaalala ang kanilang mga awitin dahil sa taglay na kasikatan ng mga mang-aawit at pati narin sa mga liriko at himig na nakapaloob sa mga awitin nila.

Ang pinoy pop ay ang mga awitin na ginawa at pinasikat dito sa Pilipinas sa walang pinipiling oras at panahon. Sa panahon ngayon pwede narin ang gumamit ng ibang lenggwahe tulad ng ingles o kaya naman ay taglish.

History of Philippine Dances

History of Philippine Dances

Karamihan sa mga sayaw dito sa ating bansa ay nagmula sa sayaw ng mga taga Europe sa panahon ng Kastila. Pandango sa ilaw, Cariñosa, Rigodon at Balitao ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga sayaw na kilala sa Pilipinas.

Ang bawat distrito dito sa Pilipinas ay may sariling folk dance at ito ay mahusay na isinasayaw kapag mayroong mga fiesta at kapag mayroong mga programa at dahil sa kaugaliang ito ay mas nadadagdagan ang reputasyon ng sining na maipagmamalaki natin sa buong mundo.

Ang Tinikling ay isa sa mga folk dance ng Pilipinas. Ito ay nanggaling pa sa isla ng Leyte. Ang teknik ng sayaw na ito ay ang pag iwas sa mabilis na pagsalpok ng kawayan kasabay din ng mabilis na tugtugin. Ang Tinikling ay ang pambansang sayaw ng pilipinas.

Ang Binasuan naman ay nagnggaling sa Bayambang, Pangasinan. Ang bawat babae ay may hawak na tatlong baso na may laman na tubig o kaya naman ay alak (rice wine), isa sa kaniyang ulo at tig isa sa kaniyang magkabilang palad. Ipinapakita dito ang kahusayan sa pagbabalanse lalo na kapag ang sayaw nila ay bumubilis at hindi man lamang tumatapon ang laman ng baso.

Ang Maglalatik naman ay nagmula sa Biñan, Laguna. Ito ay sinasabing war dance dahil ipinapakita dito ang labanan sa pagitan ng Moros at mga Kristiano para lamang sa latik. Sa una ay maglalaban sila at sa bandang huli naman ay magkaka ayos din.

Ang mga sayaw na ito ay ilan lamang sa mg Folk dance ng Pilipinas.

Kundiman Music

Kundiman Music

Ang Kundiman ay isang uri ng tradisyunal na kanta o awitin ng mga Pilipino na kung saan ang mensahe na nakapaloob dito ay tungkol sa pag-ibig. Ang liriko ay nasususlat sa tagalong at ang himig nito ay malumanay at nagtataglay ng lambing kapag iyong napakinggan. Ang Kundiman ay nangangahulugan ng paghaharana o harana dito sa Pilipinas.

Sa pnahon ngayon ang kundiman ay itinuturo sa mga eskwelahan at pinaniniwalaang isang makalumang sining na ahanggang ngayon ay dapat paring tangkilikin.

Ang mga mananaliksik sa kasaysayan ay naniniwala na ang Kundiman ay nagsimula sa probinsya ng Balayan, Batangas.

Marami na rin ang nakapagsulat ng Kundiman, isa na rito si Dr. Francisco Santiago na tinaguriang ama ng Kundiman. Ang iba pa ay sina Father Joaquin de Coria, V.M. Avella at si Jose Rizal. Ilan lamang sila na nkapag pahayag ng sariling damdamin hindi lamang sa isang tao kundi pati narin sa ating bansa.

Isang halimbawa ng Kundiman na isinulat ni Dr. Jose Rizal:

KUNDIMAN NI RIZAL

Tunay ngayong umid yaring diwa at puso

Ang bayan palibhasa'y api, lupig at sumuko.

Sa kapabayaan ng nagturong puno

Paglaya'y nawala, ligaya'y naglaho!

Datapuwa't muling sisikat ang maligayang araw

Pilit na maliligtas ang inaping bayan

Magbabalik man din at laging sisikat

Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan!

Ibubuhos namin ang dugo'y ibabaha

Ng matubos lamang ang sa Amang Lupa!

Hanggang 'di sumapit ang panahong tadhana

Sinta ay tatahimik, tutuloy ang nasa!

Sinta ay tatahimik at tutuloy ang nasa!

O Bayan kong mahal

Sintang Filipinas!

Philippine Ballet

Philippine Ballet

Ang sayaw na ballet ay nagsimula sa ibang bansa, gayunpaman ang ating mga kapwa Pilipino ay nagkaroon ng interes upang gayahin o pag-aralan, (i-adopt) ang sayaw na ito.

Base sa ating kultura, mayroon din tayong mga sayaw na maipagmamalaki tulad ng folk dance. At base rin sa aking napanood, ang Philippine Ballet ay ang pinaghalong sayaw ng ballet at ng folk dance ng Pilipinas. Sa aking pananaw, ay talagang kakaiba ang kinalabasan nito. Kahit na hindi ko ito nasaksihan ng harap harapan, masasabi kong may kakaibang talento ang mga Pilipino sa paggaya (pag adopt) ng sayaw na ballet at ang paglalapat ng sarili nating sayaw dito.

Magagling at kakaiba ang pagpupursige ng mga Pilipino na maitaguyod ang sining dito sa ating bansa. Ginawa nila ito upang mas lalo pang malugdan ng mga kapwa Pilipino ang sining na itinataguyod dito sa bansa natin. Dahil sa pagtataguyod ng Philippine Ballet ay marami ng mga grupo ang sumikat tulad ng “Ballet Manila”, “The Philippine Ballet Theatre” at “Ballet Philippines”. Sila ang mga gumaganap ng sayaw na Philippine Ballet na alam kong matiyagang nag-aaral upang mas mapaganada pa ang sayaw na ito.